Bakit nais mong matuto ng wika at kulturang Pilipino ang iyong anak? Why would you like your child to learn the Filipino language and culture?

Standard

Bago ako magsimula, nais ko sanang ibahagi ang aking karanasan…

Before I begin, I would like to share a little story…

Tubong Kapampangan ang pamilya ng aking tatay subalit hindi ako marunong mag-Kapampangan. Dinabaw at Bisaya ang wikang kinagisnan ng aking Lola mula pamilya ng aking ina subalit hindi ako natuto nito (kaunting Bisaya, oo). Siyangapala, tubong Iloilo ang pamilya ng Lola ko ngunit ni hindi siya naturuan ng Hiligaynon.  Hanggang sa panahon ng aking Lolo ay nagsasalita pa sila ng Kastila. Mas madalas akong napagkakamalang Tsino (dahil may lahi nga naman kami) subalit alam ko lamang ang pangalan ng mga pagkain tulad ng mami at siopao. Maraming beses na nga akong medyo naiilang sa mga nakakasalamuhang  Tsino na litong-lito   kung bakit hindi ko sila maintindihan. Mula sa aking mga magulang, lumaki akong bilinggwal sa Pilipino at Inggles subalit sa pag-aalala sa mga wikang binitiwan at nawala sa aking pamilya na naging bahagi na sana ng aking kalinangan, napapailing na lamang ako. Sayang. Sayang na sayang. Parang may bahagi sa aking sarili at mundo na nawala sa mga naglahong mga wika na ito.

My father’s family hails from Tarlac and yet I don’t speak Kapampangan. My maternal grandmother grew up speaking Dinabaw and Visayan but my mother and I never learnt it (or I did, a little). By the way, my Lola has Ilonggo roots but didn’t speak Hiligaynon. Up to the generation of my paternal grandfather they spoke Spanish. I am often mistaken to be Chinese yet I only know a few food names in Chinese like mami and siopao. So many times, so many Chinese have looked at me in confusion when they realize that I don’t actually understand them. I almost feel ashamed. From my parents, I grew up bilingual in Filipino and English but remembering the language that we have forgotten and lost in the family makes my head shake. What a pity. A real pity indeed. I have always felt that a part of me, that a world has been lost when these languages disappeared across generations in my family.

Ngayong ina ako ng isang tsikiting na walang masabi ngunit matuto na lamang ng  tatlong wika mula sa simula,  heto ako at nagpupursige na matuto rin siya kahit papaano ng wika at kulturang Pilipino,  na sana magkaroon ito ng positibong puwang  sa ibang pang mga wika at kultura na kinakailangan niyang ipagkaisa sa kanyang sarili. Balang araw, sana ay masaya niyang masabi  niya sa kanyang sarili, “Salamat at lumaki akong nakaugat din sa aking pamanang Pilipino.”

Now that I am a mother of a child who did not have any choice but to learn three languages from the onset, here I am trying to also assert that he also learns, in one way or the other, the Filipino language and culture. I hope that it will have a place among the other languages and culture that he needs to traverse and eventually integrate in his identity. Someday, I hope that he can say to himself, “Thank God that I grew up also rooted in my Filipino heritage.”

Sa buong mundo, hindi lamang ang aking anak ang may ganitong karanasan. Marami ring mga kabataang may lahing Pilipino na maaari ring patibayin at maging pinanggalingan ng mabubuting kaugalian at personal na kalakasan ang pagunawa nila sa wika at kulturang Pilipino.

All over the world, I am sure that  it is not  only my son who face this reality. There are so many young children of Fiipino descent who may also need to learn and strengthen their knowledge of Filipino language and culture. After all, it could be a source of good values and personal empowerment.

At ikaw?  Bakit mo nais ituro ang wika at kulturang Pilipino sa iyong anak? Kahit na ano pa ang iyong dahilan, sana ay makatulong ang mga banghay aralin na ito sa iyong layunin.

And, in your case, why would you like to teach your child more about the Filipino language and culture? Whatever your reasons, I hope that this set of lesson plans will also you fulfill your aim/s.

Hindi ko nais na masyadong maging akademiko sa aking panunulat subalit ibinatay ko ang mga leksiyon na ito sa teoriya na ang pagkakailanlan sa sarili ay nakaangkit din sa pagaaral ng isang wika. Dahil dito, itinugma ko ang paksa ng mga leksiyon sa mismong konteksto na “Ako ay may lahing Pilipino”.  Bukod rito, sa tulong ng aking anak, pinagdaanan namin mismo ang pagbasa sa mga aklat, pagtalakay ng leksiyon sa iba’t-ibang mga paraan at pagsagawa ng mga pagsusuri. Kinakailangan pa niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral subalit  masaya kong masasabi na sinimulan na naming itanim ang mga munting kaalaman at kakayahan sa wika na makakatulong sa kanyang ganap na pagkamatatas sa wika at  may kaalaman (at yabang)  sa kulturang Pilipino.

I don’t wish to sound too academic in writing this blog but I based my lessons on the growing theoretical argument that one’s sense of identity is closely linked to learning a language. For this reason, the theme of my lessons became  “I am of Filipino ancestry”. Furthermore, with the help of my son, we read all the books, did all the activities and went through the assessment procedures. I must say that while he obviously still needs to continue learning the language, the seeds have already been sown for him to gain fluency in the language and show pride in the culture.

                                                Ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.

A person who does not look back at his beginnings will never be able to reach his destination.

Jose Rizal

Teacher Siningguelas🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s